Tuesday, October 17, 2006

Salamas Bulitas

Last month nagpunta kami ng tropa ko sa Eastwood. Wala nagkayayaan lang. Just to check out the place. See what's happening. You know? Ganun pala dun. Puro mamahalin yung mga restaurant. Buti na lang may McDo. Pero yun na lang ang nagawa namin. Pagkatapos ko kasing umorder ng Big Mac meal, pamasahe na lang ang natira sa P200 gimik money ko. Nampotah. First time ko sa Eastwood, hindi man lang ako nakapanood ng sine. Dapat talaga sa bahay na lang kami kumain eh. So ganun na nga. Pagkatapos namin kumain naglibot-libot na lang kami. Para kunwari cool kami. One with the crowd. Yeah bey-bee! Maya-maya pa may nakita yung isa kong katropa. Aba artista! Si Joseph Bitangcol. Nung nakita namin siya, eto ang naging usapan ng mga katropa ko.

Bugoy #1: O andito pala yung boyfriend ni Sandara eh.
Bugoy #2: (Palibhasa Kapuso.) Saan? Sino?
Bugoy #1: Ayun o! (Sabay turo kay Joseph.)
Bugoy #2: Yun ba? Bakit mukhang babae?

Ako: HA?!! (Yun na. Yun lang ang nasabi ko.)

Isang buwan. Isang buwan akong nabahala sa comment na yun ng katropa ko. Kasi naman kahit anong tingin ang gawin ko, hindi ko makita kung paano siya naging mukhang babae. Hindi talaga. May kamukha siya, oo, pero sigurado akong hindi babae. Buti na lang talaga habang nagba-bloghop ako kanina, nakita ko to sa blog ni Bulitas. Sabi ko na nga ba hindi siya mukhang babae*.

Mukha siyang unano**.

-----

* Kung sabagay, kamukha naman ni Mura si Mahal so may tama rin siguro yung katropa ko. Tama ba? Naaah!

** Nais ko ring humingi ng paumanhin sa mga fans ni Mura. Hindi ko po talaga kasalanan na kamukha ng idol niyo si Joseph Bitangcol. Gayunpaman, ako na ang humihingi ng pag-unawa mula sa inyo. Wag po sana kayong mawalan ng ganang gumawa ng mga laruan ngayong Pasko.

14 Comments:

Blogger Hasson Marque said...

hahaha, di ko alam na kamuha pala ni mura si isaw boy!!!

3:08 AM  
Anonymous Anonymous said...

badtrip kasi,ok naman dati si joseph eh ginagawa kasi nilang hero look alike kaya nagkaganyan nagmumukhang joyots

10:19 AM  
Blogger GARRY said...

Hahahahaha. Antipatikah! As in kay Mura pa talaga humingi ng sorry? hahahaha. Gagah!

10:49 AM  
Blogger _ice_ said...

badtrip talaga si joseph.. hehehe kapuso kasi ako eh... hehehe

11:03 AM  
Anonymous Anonymous said...

hehehe... parang pinagbiyak na bunga

11:35 AM  
Blogger Hasson Marque said...

@randy, oo kamukha din ni tessa prieto valdez si mura!

12:37 PM  
Blogger garytarugo said...

hasson, bakit nga ba isaw boy ang tawag kay joseph?

randy, pati si tessa prieto valdez? tsk, tsk. kawawa naman si mura.

blacksoul, i think it's in the eyes man. wala nang magagawa ang stylist nun.

kelly, mahirap na kasi eh. baka mamatanda ako ni mura.

ice, sinong mas gusto mo? si joseph o si oyo boy?

drew, ang swerte ni sandara no?

1:52 PM  
Anonymous Anonymous said...

oo nga tessa prieto...

pwede ring tim yap, according to cofibean!

3:46 PM  
Blogger Wally said...

hahahaha!!

6:42 PM  
Anonymous Anonymous said...

HAHAHA! natawa ako when I first saw that on bulitas' blog ahehe...
nakita nyo talaga sha? WOW!

8:40 PM  
Blogger garytarugo said...

billycoy, pati si tim yap? taenang pagmumukha talaga yan o!

kulitco, mukhang hindi ka ata masyadong natawa. kulang kasi ng isang "ha" yung comment mo eh.

kironobu, oo nakita talaga namin siya. mukha ngang hindi nakakuha ng allowance kay sandara eh. kasi paikot-ikot din lang sila.

9:26 PM  
Blogger Hasson Marque said...

nagtitinda ang pamilya niya ng mga barbecue at isaw kaya isaw boy ang tawag sa kanya!

2:32 AM  
Anonymous Anonymous said...

hi gary dis is my YM accnt
pls msg me and add me in your list.

gwapo_boi23@yahoo.com.ph

mwahh

wala me blog nasurf lang kita kinda yummy..

ill wait

1:06 PM  
Anonymous Anonymous said...

hahaha! naaliw ako ha...ngayon ko lang din napagmasdan ang resemblance ng dalawa....

10:42 AM  

Post a Comment

<< Home


Pinoy Bloggers[dot]Org