"I would like to thank my parents..."
Sa pagbisita ko sa blogs nila Paeng, Kiro, Icarus at Heneroso, meron akong napansin. Lahat sila ay merong award na Filipino BLOG of the Week. Ang award na to ay binibigay din ng isang blogsite at pwedeng mapanalunan sa pamamagitan ng pagboboto. Isa lang yan sa maraming awards na nakita ko sa blogosphere.
Nakakatuwa na nakakainggit makakita ng ganitong award dahil gusto ko rin ng award para sa aking blog. Inggitero kasi ako eh. At dahil naniniwala ako sa perseverance and hardwork, naisip ko na gumawa na lang ng sarili kong award. Tamad kasi akong mangampanya eh. Pero sinisiguro ko sa inyo na pinaghirapan ko talaga yan. Hindi kasi ako marunong gumawa ng graphics kaya ilang minuto rin ang nagastos ko sa pag gawa nyan. Naisip ko rin na ipangalan ang award na to sa isang tao na nagpe-personify ng perseverance and hardwork. So without further ado, I would like to present the first winner of the Danica Sotto International Creativity Award for Technology... ME!
Sa mga gusto ring manalo ng D-SICAT Award, gusto ko lang ipaalala sa inyo na kailangan niyo muna tong paghirapan bago niyo to mailagay sa inyong blog. Please understand na kanya-kanyang kayod to. Ibig sabihin wag niyong asahan na ise-send ko yan sa email niyo. Kayo na ang bahalang mag-RIGHT CLICK-COPY-PASTE ng award na yan sa inyong blog. Pagtrabahuhan niyo naman, please. Nakakahiya kay Danica.

@@@@@

25 Comments:
nice. pahingi ng award a. aku rin inggit. although nagkaaward na ako galing kay theo
boy bawang, sige lang. congrats na rin for being the second D-SICAT awardee.
ako rin, kailangan ko rin ang award na yan... kaso kailangan bang si danica?
wag kang magpakawholesome baka sumikat ka, hehehe. check mo nga profile mo, daming hits! sikat ka naman sa profile!
die hard fan ba ni gary si danica?
hahaha! gusto ko din nyan! gusto ko din nyan!
Dear Gary,
Kawawa naman si Danica Sotto talaga, lubosang panlalait na nangyayari sa kanya pero go lang siya. Idol ko siya dahil marunong siyang magpursigi. Kung maari lang ay atin nang tigilan ang panlalait ang lumapastangan sa lahi ni Dina Bonnevie at atin na lamang i-You Tube ang kanyang mga naggagandahang videos na talaga namang kapupulutan ng aral at pagkamangha.
Ang aking idol na si Danica pala ay nag-release ng isang album, oo music album na may mga kanta. Ito ay noong August 2006, mga tatlong buwan na ang nakalilipas. Ito ay ni-release ng DYNA Music, na hanggang ngayon ay hindi namin makuha ang email address dahil nais naming iparating ang aming gigil sa kanilang desisyong pakantahin ang aming idolong si Danica Sotto.
Gary, kung maari lamang sana ay pakitulungan mo kaming hanapin ang website ng DYNA Music. Ayaw naming isiping wala silang pondo na panglikha ng isang website dahil ayaw naming isipin na unti unti na silang nalulugi dahil sa kanilang mga talent.
Maraming salamat.
Pahabol: Ako nga pala ay lumikha ng isang natatanging post para sa aking idolong si Danica. Ito ay ang bunga ng aking walang hanggang respeto at ng di mapapantayang pagkamangha sa kanyang walang katulad na talento. Maari ko ba itong i-link? Ito ay matatagpuan sa
http://momel8.blogspot.com/2006/05/ugly-kittens.html
Maraming Salamat Namang Muli.

billycoy, iniisip ko nga kung isasali ko yung profile ko sa webby awards tutal mukhang mas marami naman ang nagbabasa nun kaysa sa actual blog ko. nga pala, di ba artist ka? baka naman pwede mong gawan ng paraan yung award ko. hindi kasi masyadong maganda eh. hindi ko nga alam kung anong problema. maganda naman yung font na ginamit ko.
hasson, yup die hard fan talaga ako. pero hindi lang ni danica kundi ng lahat ng sotto children sa showbiz kagaya ni oyo boy at ciara. in fact, member ako ng People Under The Association of Sotto Admirers and Lovers Of Talent or more popularly known as PUTA SALOT!
rob ruiz, siguraduhin mo lang na idi-display mo yan prominently sa iyong website para maiinggit lahat ng visitors mo.
momel, ako rin ay lubhang nag-aalala para sa ating idol dahil balita ko ay marami na ang nagda-download ng kanyang kanta sa internet. wala tuloy siyang kinikitang royalty mula sa album sales. hamo, tutulungan kitang hanapin ang website at email ng dyna music. gusto ko ring sabihin sa kanila ang aking suggestion na punuin ng wallet-sized pictures ang cd ni danica para lalo pang lumakas ang benta nito.
Hayo ka Gary, ang galing mo!
Yun lang.
Kulang ng P ang HAYOP
Screw that award-giving body. Most of the nominees are an effing bore to read. Pffft.
Maka-Danica ka talaga no? Hindi halata. :-)
wala naman akong alam tungkol jan sa awards kasi diaryland ako,halos lahat kayo blogpsot pero may nakikita akong mga nananalo pero nakakaantok naman basahin yung mga yun eh..
puta itong blog mo panalo na,at ako rin kukuha nang putang-ina D_SICAT winner at ilalagay ko sa blog ko,para manalo din me/
nyahaha.. idolo tlga si dannica yehey ;-p gusto ko din ng award na yan wahaha:-)
mandaya, hayop pero hindi ahas gaya ni dinah mae. sssssss...
talamasca, hindi ako titigil hangga't hindi nabibigyan ng lifetime achievement award si danica. danica forever!
blacksoul and isaiah (yihee!), sige i-display niyo lang yang award na yan sa blog niyo para malaman ng readers and visitors niyo kung gaano kayo ka-importante sa larangan ng blogging.
tagal ko nang di bumibisita dito ah.
Ang wholesome naman ng bagong pic, baka magtampo yung mga fans mo. Hehehe...
Grab na rin ako ng D-SICAT award... hehehe...
Gary! gusto ko rin ng award na yan! pwede ba i post sa blog ko? mas maganda sana kung yung pic ni danica eh nakanganga... heheheh... gusto mo tulungan kita sa pagdedesign ng award? gawin natin itong mala oscar-meets-blogspot heheheh...
drew, hamo ibabalik ko rin yung dati kong pic. wag ka nang magtampo ha? congrats din pala sa pagkapanalo mo ng D-SICAT award. welcome to the winners' circle!
dos ocampo, pwedeng-pwede! sige, tulungan mo ako. design ka ng bago. para mas prestigious ang dating ng award at mas maraming maakit na magpost niyan sa kanilang blog. on behalf of danica, nais kong iparating ang aming taos-pusong pasasalamat.
ako nga din, makakuha ng ng award na yan...
gary, bat pala may "aahhhhhhhhhhhh" sa link namin ni gibs cadiz?
Thanx sa plug...wahehehe... nanalo ba ren ako nyan? =))
hasson, ibig sabihin lang nung "aaaaahhh!!" bagong update yung blog na yun. astig ang blogrolling! kuha ka na rin.
kiro, you're welcome! yup, pwede ka ring manalo niyan. international ang award na to kaya kahit nasa canada ka pwede kang manalo.
congrats! oo nga naman. gumawa na lang ng award. and you deserve that coz pinaghirapan mo din naamn :)
there you go again... bashing people round... even people who dont know or give a damn about you.
classic Filipino.... what a waste.
tin-tin, thank you, thank you. isang malaking karangalan talaga ang makatanggap ng award mula sa sarili ko. nakakataba talaga ng puso ang malaman na naa-appreciate ko ang sarili kong gawa. maraming salamat self.
danica, maraming salamat din sa pagbisita mo sa aking munting blog. natutuwa ako na ginamit mo pa ang aking pangalan para lang mag-iwan ng comment dito. ikaw ang aking inspirasyon at ang mabasa ang iyong mensahe para sa akin ay sapat na para maramdaman ko na ako ay nasa tamang landas. makakaasa ka na hindi kita pababayaan at lagi kita susuportahan. mabuhay ka danica. mabuhay ka.
ganun pala yun..makakuha nga din sa blogrolling!
ganun pala yun..makakuha nga din sa blogrolling!
Post a Comment
<< Home