Saturday, October 21, 2006

Super Galing English Tutor

Nung isang araw, nabanggit ni Blacksoul ang kanyang concern pagdating sa English. Eto ang exact quote niya mula sa aking tagboard -- "blacksoul: ang hirap magbasa sa iba english nang english buwisit". Naiintindihan ko ang pinanggagalingan ko mo dude. I feel your pain. Kaya naghanap ako ng isang magaling na English tutor para sa kanya at para na rin sa iba sa atin na nagbabalak matuto ng English.

Swerte naman at hindi ako masyadong nahirapan sa aking paghahanap. Medyo may kamahalan lang nga sumingil ang tutor na to pero sinisiguro ko sa inyong sulit naman. Merong dalawang levels ang kanyang English course. Siyempre magsisimula ka sa Beginners' Level (Basic Conyo English). At pag naipasa mo yun, pwede mo nang kunin ang Advanced Level (Kikay Conyo English).

Para maipakita sa inyo ang galing ng ating English tutor, nilagay ko sa ibaba ang ilan sa mga sagot niya nung minsang ininterview siya sa isang dyaryo...
Interviewer: Do you feel like an adult now?
English Tutor: No! Compared to before I mean, like now I talk sense na, you know what I mean. Before I like make-up, I like this, I like clothes, I'm always like "Oh My God!" ganon, but now parang I wanna be quiet na lang let's be mysterious naman.

Interviewer: Will you be doing more mature roles now that you are 18?
English Tutor: No, 'coz for me I like my dresses, my pictorials and everything now that I'm turning 18, it's not like parang o, she's 18 na and she has to like, something medyo mag-daring na siya, you know she's an adult. No talaga! 'Coz the way they see me, I'm still, I mean the way I move, I'm 18 but you know I'm not an adult 18. So siguro it's not yet time for me.
Wow! Hanggang ngayon nabibilib pa rin ako sa sagot ng ating English tutor. Maiksi lang di ba pero direct to the point. Wala nang paligoy-ligoy pa. Pero siyempre, marami-rami pang practice ang kakailanganin niyo para maabot ang level na to ng ating tutor. Para malaman kung sino ang magaling na English tutor na to...


At kung gusto mo namang makilala ang isa sa pinakamagaling niyang estudyante...

8 Comments:

Blogger Hasson Marque said...

di ko maopen first link kanina,,sabi ko na nga si heart eh!

6:22 AM  
Blogger _ice_ said...

hahahaha you got it gary..!!!!

masyadong maarte yan nakakainis yang magjowang yan.. btw peace...

paturo na rin ako..magenrol kaya me..

i wonder kung how much yong tuition kasi its like i have a lot of debts to pay pa. so wanna make budget to my money. coz my mom i dunno if she make payag me to enrol..

hahahahah you gary ha you should enrol too and blacksoul, i want you guys enrol so that magsamam tayo dba.. you know..

bwahahahahah

7:41 AM  
Anonymous Anonymous said...

Sabi na nga ba si heart yan eh... Naabsorb ko agad yung sinabi niya ah...
Senseless beauty... hahaha

9:35 AM  
Blogger Dos Ocampo said...

May mas magaling pa kay heart...

eto o, http://cofibean.blogspot.com

galing grammar nyan...

Im not angry with him ok?...

peace kami ni dude cofibean.. hahaha

10:17 AM  
Anonymous Anonymous said...

So echo,napepeste ako magenglish.

Di na lang kasi magtalog,pinapahirapan pa yung sarili.

Hindi porket magaling kang magEnglish matalino ka..
I like heart she's very pretty/

11:14 AM  
Blogger Jot Abordo said...

lol....superb english!

1:08 PM  
Blogger abi said...

3 words.. what the f***??! pag nababasa ko yung mga interview ni Heart, feeling ko nababawasan yung IQ points ko..

Nakakabobo kasi sa hinaba haba ng sinabi nya, wala pa rin ako naintindihan! wehehe..

panalo yung article about Heartburn..
good blog, GT!

12:46 AM  
Anonymous Anonymous said...

Makapag-enrol nga ng magkaroon naman ng saysay ang buhay ko.

1:02 PM  

Post a Comment

<< Home


Pinoy Bloggers[dot]Org