Friday, October 20, 2006

Waaah!!

Minahal kita. Alam mo yun. Matagal akong naghintay dahil sinabi mo nga na bata pa ako at may boyfriend ka pa nung mga panahong yun. Sinunod ko ang mga gusto mo at ginusto ko ang mga paborito mo. At kahit inis ako kay Enrico Villanueva, nagcheer pa rin ako para sa Ateneo dahil alam kong sila ang paboritong team mo. Tiniis kong pakinggan ang lahat ng sinabi mo kahit nabibingi ako sa boses mo. Ang ingay mo nga nun. Kahit may game ay dada ka pa rin nang dada. Kaya tuwang-tuwa ako nung nalaman ko na nagbreak na kayo ng boyfriend mo. Araw-araw kitang sinamahang mag-almusal. Kumakain na ako pero daldal ka pa rin nang daldal. Ang dami mong sinabi sa akin pero hindi mo man lang nabanggit na...


Hay Patty, sana'y maging maligaya ka sa naging desisyon mo. At Atom, wag kang magkakamaling saktan si Patty. Dahil sa oras na gawin mo yun, hahambalusin kita ng tarugo ko. Tandaan mo yan. Itanim mo sa kukote mo.

5 Comments:

Anonymous Anonymous said...

broken hearted? haha... ok lang yan...

8:59 PM  
Blogger garytarugo said...

bad trip lang kasi dude kasi hindi pa niya ako dinerecho. kung hindi ko pa nabasa sa blog niya, hindi ko pa malalaman.

wala, gusto ko lang maglabas ng sama ng loob. tsaka magbalita na rin sa mga chismoso dyan. oo, sila patty at atom na nga. remember, you guys heard it first from me.

10:09 PM  
Anonymous Anonymous said...

halata naman eh..

ok lang yun.

Ang maganda para sa guwapo..
joke heheheeheh

11:30 PM  
Blogger garytarugo said...

kung sabagay... kaysa naman sa pangit di ba..?

teka lang...

taena! nayari mo ako dun ah!

1:07 AM  
Blogger _ice_ said...

gary you have all the equipment just read the manual... ok...

bwahahahahaha

7:44 AM  

Post a Comment

<< Home


Pinoy Bloggers[dot]Org