Sunday, December 10, 2006

B-Asar

Sabado, 8:53 AM. Ang ganda na sana ng gising ko sabay nakuha ko ang text na to mula kay Bugette (ang babaeng Bugoy). Kinumpleto ko na ang ibang spelling ng mga salita para mas madaling basahin...

Bugette: Musta na? Punta kayo sa bazaar ko. Benta ako brownies and other desserts panregalo ngayong Pasko. Thanks friend. Asahan kita ha? Mwah!
Ako: Wow! Ang dami mo namang racket. Hanggang anong oras kayo bukas?
Bugette: Hus dis pls?

Putang ina. Hindi na ako sumagot. Pero ngayon naisip ko na sana nga minura ko na yung Bugette na yun. Sino ba naman ang hindi maba-bad trip sa ugali na yan? Magte-text sa yo, magre-reply ka tapos babanatan ka ng "Hus dis?" Eh putang ina. Naglolokohan pala tayo. Ikaw ang unang nagtext sa akin tapos hindi mo pala ako kilala.

Buti na lang natanggal na si Yvan at Rosita. At least may pampalubag-loob ang weekend na to.

2 Comments:

Blogger Ang-ang said...

ano ba babaeng bugoy si mamamamataguro obvious ba sa susunod wag ka nang magtxt sa kanya okay lol

6:11 PM  
Blogger bananas said...

at lalong dapat di mo itext si ang ang...

or...

ma-a-ang-ang ka.

tse!

gary naman, sana piliin mo naman ang friends mo.

2:16 PM  

Post a Comment

<< Home


Pinoy Bloggers[dot]Org