Thursday, November 23, 2006

Uwian Na

Haaay... Bakit naman ganun? Bakit dalawang magkasunod na linggong natanggal yung mga Pinoy sa Amazing Race Asia. Sayang naman. Nung isang linggo yung mag-asawang Ernie at Jeena ang natanggal. Ngayon naman ang magbestfriends na Aubrey at Jaq. Nanghihinayang talaga ako. Ang ganda pa naman ng pagkakaportray nila Aubrey at Jaq sa mga Pinoy. Lalo na yung mga Pinoy na magaganda at sexy. Pinakita nila na palaban talaga ang mga Pinoy at hindi sumusuko. Na hindi gumagamit ang mga Pinoy ng kagandahan para magtake advantage ng ibang tao. Na magaling ang mga Pinoy sa diskarte at hindi lang umaasa sa panlabas na kaanyuan. At higit sa lahat, pinakita nila na sport ang mga Pinoy at hindi pikon. Nung sinabi nga sa kanila ang placing nila sa last leg, ang naging reaction pa ni Jaq ay, "Oh good!" Huli na nang marealize niya na ang ibig sabihin pala nung placing nila ay tanggal na sila. Haaay... Maraming salamat pa rin sa magandang pinakita niyo Aubrey at Jaq. Natanggal man kayo, panalo pa rin kayo sa puso ng mga Pilipino. Aubrey and Jaq...

"Para sa iyo ang laban na to." -- Manny Pacquiao

5 Comments:

Anonymous Anonymous said...

tanggal na si aubrey..???

dalwa na nga pinoy natanggal pa..

leche

8:29 AM  
Anonymous Anonymous said...

onga. napanood ko kagabi, natanggal si aubrey. nageespadahan pa kasi. kaya ayan, hindi agad nahanap ung clue. tapos nagpahulihuli pa mag quit (iyong 4 hr, penalty). tapos ang pambato ko talaga e iyontg magasawang pinoy. kaso, sa kasamaang palad mas nauna sila kay aubrey matanggal. asar nga e.

6:25 PM  
Blogger Riker said...

natanggal na pala sila?.. di kasi ako nanunuod nun e..eheheheh.. :)

8:00 PM  
Blogger garytarugo said...

chino, wala ka talagang kwenta. hindi ka pala nanonood ng Amazing Race Asia. buti pa si blacksoul at boy bawang. oh well. nalulungkot lang ako dahil wala nang "ditzy blondes"... ah este... brunettes sa show. ika nga ni aubrey, "we're competitive (pause) and feminine." haha!

8:40 AM  
Blogger Jasmin said...

tanggal na pala si Aubrey at Jaq...

ok lang panalo parin si Pacman!

hahaha

11:33 PM  

Post a Comment

<< Home


Pinoy Bloggers[dot]Org