Saturday, November 18, 2006

Gi-Ne-BRA! Gi-Ne-BRA! Gi-Ne-BRA!

Matagal din akong hindi nakapagbukas ng email kaya ngayon ko lang napansin na naipadala na pala sa akin ni Bugoy ang mga pictures ni Angelica Panganiban. Sabi ko na nga ba may pakinabang din tong si Bugoy eh. Sa sampung email kasi na natatanggap ko, walo dun galing sa kanya. Minsan chain email (pang-good luck daw), minsan money-making scheme, minsan trivia (ex. "The Longest Bridge"), minsan jokes, minsan nakakatakot, minsan bastos at kung minsan pa religious. Wala talagang pinipili yan. Basta makapag-forward, ifo-forward. Muntik ko na ngang i-report yan dati sa Yahoo as spam.

Pero mabalik ako kay Angelica. Halos araw-araw ding nasa TV Patrol ang "balitang" ito -- kesyo hindi alam ng Ginebra kung paano ito lumabas, kesyo niretoke ang pictures, kesyo ibang katawan daw ang ginamit, etc. Ah basta, wala akong pakialam kung ano man ang isyu dito sa posters na to. Basta ang importante, may bago na namang mapagbabatihan...





...at mapapalitan na ng mga manong drivers ang pangharang nila sa sikat ng araw.

Monday, November 13, 2006

Huwatt?!!

Panoorin niyo ang reaction dito ni Faith Hill. Ganyang-ganyan ang reaction ni Lolit nung sinabi ko kung sino ang nanalo sa aking search.



At para sa mga nagtatanong kung bakit si Maui ang nanalo at hindi si Lolit, I have two words for you -- Viveca Babajee. Tama ba Ms. Mauritius? "Take it! Take it!"

Pinoy Bloggers[dot]Org