"I would like to thank my parents..."
Sa pagbisita ko sa blogs nila Paeng, Kiro, Icarus at Heneroso, meron akong napansin. Lahat sila ay merong award na Filipino BLOG of the Week. Ang award na to ay binibigay din ng isang blogsite at pwedeng mapanalunan sa pamamagitan ng pagboboto. Isa lang yan sa maraming awards na nakita ko sa blogosphere.
Nakakatuwa na nakakainggit makakita ng ganitong award dahil gusto ko rin ng award para sa aking blog. Inggitero kasi ako eh. At dahil naniniwala ako sa perseverance and hardwork, naisip ko na gumawa na lang ng sarili kong award. Tamad kasi akong mangampanya eh. Pero sinisiguro ko sa inyo na pinaghirapan ko talaga yan. Hindi kasi ako marunong gumawa ng graphics kaya ilang minuto rin ang nagastos ko sa pag gawa nyan. Naisip ko rin na ipangalan ang award na to sa isang tao na nagpe-personify ng perseverance and hardwork. So without further ado, I would like to present the first winner of the Danica Sotto International Creativity Award for Technology... ME!
Sa mga gusto ring manalo ng D-SICAT Award, gusto ko lang ipaalala sa inyo na kailangan niyo muna tong paghirapan bago niyo to mailagay sa inyong blog. Please understand na kanya-kanyang kayod to. Ibig sabihin wag niyong asahan na ise-send ko yan sa email niyo. Kayo na ang bahalang mag-RIGHT CLICK-COPY-PASTE ng award na yan sa inyong blog. Pagtrabahuhan niyo naman, please. Nakakahiya kay Danica.

@@@@@