Saturday, October 21, 2006

Super Galing English Tutor

Nung isang araw, nabanggit ni Blacksoul ang kanyang concern pagdating sa English. Eto ang exact quote niya mula sa aking tagboard -- "blacksoul: ang hirap magbasa sa iba english nang english buwisit". Naiintindihan ko ang pinanggagalingan ko mo dude. I feel your pain. Kaya naghanap ako ng isang magaling na English tutor para sa kanya at para na rin sa iba sa atin na nagbabalak matuto ng English.

Swerte naman at hindi ako masyadong nahirapan sa aking paghahanap. Medyo may kamahalan lang nga sumingil ang tutor na to pero sinisiguro ko sa inyong sulit naman. Merong dalawang levels ang kanyang English course. Siyempre magsisimula ka sa Beginners' Level (Basic Conyo English). At pag naipasa mo yun, pwede mo nang kunin ang Advanced Level (Kikay Conyo English).

Para maipakita sa inyo ang galing ng ating English tutor, nilagay ko sa ibaba ang ilan sa mga sagot niya nung minsang ininterview siya sa isang dyaryo...
Interviewer: Do you feel like an adult now?
English Tutor: No! Compared to before I mean, like now I talk sense na, you know what I mean. Before I like make-up, I like this, I like clothes, I'm always like "Oh My God!" ganon, but now parang I wanna be quiet na lang let's be mysterious naman.

Interviewer: Will you be doing more mature roles now that you are 18?
English Tutor: No, 'coz for me I like my dresses, my pictorials and everything now that I'm turning 18, it's not like parang o, she's 18 na and she has to like, something medyo mag-daring na siya, you know she's an adult. No talaga! 'Coz the way they see me, I'm still, I mean the way I move, I'm 18 but you know I'm not an adult 18. So siguro it's not yet time for me.
Wow! Hanggang ngayon nabibilib pa rin ako sa sagot ng ating English tutor. Maiksi lang di ba pero direct to the point. Wala nang paligoy-ligoy pa. Pero siyempre, marami-rami pang practice ang kakailanganin niyo para maabot ang level na to ng ating tutor. Para malaman kung sino ang magaling na English tutor na to...


At kung gusto mo namang makilala ang isa sa pinakamagaling niyang estudyante...

Friday, October 20, 2006

Waaah!!

Minahal kita. Alam mo yun. Matagal akong naghintay dahil sinabi mo nga na bata pa ako at may boyfriend ka pa nung mga panahong yun. Sinunod ko ang mga gusto mo at ginusto ko ang mga paborito mo. At kahit inis ako kay Enrico Villanueva, nagcheer pa rin ako para sa Ateneo dahil alam kong sila ang paboritong team mo. Tiniis kong pakinggan ang lahat ng sinabi mo kahit nabibingi ako sa boses mo. Ang ingay mo nga nun. Kahit may game ay dada ka pa rin nang dada. Kaya tuwang-tuwa ako nung nalaman ko na nagbreak na kayo ng boyfriend mo. Araw-araw kitang sinamahang mag-almusal. Kumakain na ako pero daldal ka pa rin nang daldal. Ang dami mong sinabi sa akin pero hindi mo man lang nabanggit na...


Hay Patty, sana'y maging maligaya ka sa naging desisyon mo. At Atom, wag kang magkakamaling saktan si Patty. Dahil sa oras na gawin mo yun, hahambalusin kita ng tarugo ko. Tandaan mo yan. Itanim mo sa kukote mo.

Wednesday, October 18, 2006

Napakagandang Balita Nito

Kita mo nga naman...

DYNA LAUNCHES DANICA SOTTO'S ‘FRAGILE HEART’

Nabasa nyo yung article? Nabasa nyo? Yan naman ang gusto ko sa Pilipinas. Pawang mga talented at deserving lang talaga ang nakakapasok sa showbiz.

Danica, I'm so happy for you. Natutuwa ako dahil alam kong pinaghirapan mo ang lahat ng tagumpay na tinatamasa mo ngayon. Nakita ko kung paano ka dumaan sa butas ng karayom para lang maabot mo ang iyong kinalalagyan. At alam ko kung paano ka nagsikap at nagtiyaga para maging isang mahusay na singer at artista. Deserving ka talaga Danica. Pareho kayo ng kuya Oyo Boy mo. Pareho kayong very talented at very deserving. Kaya Danica, at kay Oyo Boy na rin, I wish you all the best and more power sa inyong career!

Your No. 1 Fan,
Gary T.

P.S. Happy din pala ako para sa tatay niyo dahil alam kong kinakana niya ngayon si Pia Guanio.

Tuesday, October 17, 2006

Salamas Bulitas

Last month nagpunta kami ng tropa ko sa Eastwood. Wala nagkayayaan lang. Just to check out the place. See what's happening. You know? Ganun pala dun. Puro mamahalin yung mga restaurant. Buti na lang may McDo. Pero yun na lang ang nagawa namin. Pagkatapos ko kasing umorder ng Big Mac meal, pamasahe na lang ang natira sa P200 gimik money ko. Nampotah. First time ko sa Eastwood, hindi man lang ako nakapanood ng sine. Dapat talaga sa bahay na lang kami kumain eh. So ganun na nga. Pagkatapos namin kumain naglibot-libot na lang kami. Para kunwari cool kami. One with the crowd. Yeah bey-bee! Maya-maya pa may nakita yung isa kong katropa. Aba artista! Si Joseph Bitangcol. Nung nakita namin siya, eto ang naging usapan ng mga katropa ko.

Bugoy #1: O andito pala yung boyfriend ni Sandara eh.
Bugoy #2: (Palibhasa Kapuso.) Saan? Sino?
Bugoy #1: Ayun o! (Sabay turo kay Joseph.)
Bugoy #2: Yun ba? Bakit mukhang babae?

Ako: HA?!! (Yun na. Yun lang ang nasabi ko.)

Isang buwan. Isang buwan akong nabahala sa comment na yun ng katropa ko. Kasi naman kahit anong tingin ang gawin ko, hindi ko makita kung paano siya naging mukhang babae. Hindi talaga. May kamukha siya, oo, pero sigurado akong hindi babae. Buti na lang talaga habang nagba-bloghop ako kanina, nakita ko to sa blog ni Bulitas. Sabi ko na nga ba hindi siya mukhang babae*.

Mukha siyang unano**.

-----

* Kung sabagay, kamukha naman ni Mura si Mahal so may tama rin siguro yung katropa ko. Tama ba? Naaah!

** Nais ko ring humingi ng paumanhin sa mga fans ni Mura. Hindi ko po talaga kasalanan na kamukha ng idol niyo si Joseph Bitangcol. Gayunpaman, ako na ang humihingi ng pag-unawa mula sa inyo. Wag po sana kayong mawalan ng ganang gumawa ng mga laruan ngayong Pasko.

Monday, October 16, 2006

Kukobura

Masaya ako ngayon. Kanina kasi nag gupit ako ng kuko sa paa. Matagal na rin siguro yun. Ang haba na eh. Tamad lang talaga ako mag gupit kasi naman lagi akong nakasapatos pag lumalabas ng bahay. Siguro kung may habayanas ako mas mapapadalas ang pag gugupit ko ng kuko sa paa. Hehe. Hindi ko pa nga sana gugupitin yun kaya lang tumama yung daliri ko sa paa ng mesa. Taena ang sakit! Kaya ginupit ko na. Ang dami ngang dumi eh. Pero alam niyo yung dumi dun sa malaking kuko? Ang baho nun pero ang sarap amuyin. Haha!

Sunday, October 15, 2006

Para sa Karangalan ng Pilipinas

Text JELI at i-send sa 2339 for Globe, Smart and Talk n' Txt subscribers. Dahil IDOL maging IBA, iboto ang naiiba. Iba ka talaga Jeli. Iba ka.

@@@@@

P.I. UPDATE: Safe na naman si Jeli! Haha!

Pinoy Bloggers[dot]Org