Saturday, November 11, 2006

And the Winner Is...

The results are in! At 6th place with 0% of the votes...

Roxanne Barcelo


At 5th place...

Unknown Japanese Girl


At 4th place...

Panky Trinidad


At 3rd place...

IC Mendoza


At 2nd place...

Mahal


At 1st place, THE WINNER and My Own Sandara Park is...














Maui Taylor

CLICK ON THE PICTURE FOR THE FULL IMAGE




Sa mga may reklamo, bahala kayo sa buhay niyo! Wahahahahaha!

Thursday, November 09, 2006

Decision O-Six

Eto na... Eto Na... ETO NAAAH... AAAAAHHH!!

Dahil sa Pilipinas ginagawa ang aking search for My Own Sandara Park, napagpasiyahan ko at ng management ng MTV na gawing FAIR and EQUAL ang gagawing pagpili sa mananalo. Kaya ginaya namin ang nauuso sa talent searches ngayon kung saan kasikatan talaga ang nasusunod at wala namang saysay ang mga pinagsasabi ng judges. Kung saan ang trabaho ng judges ay ang mangutya ng contestants at ang trabaho naman ng audience ay inisin ang judges. Kung saan walang kwenta ang role ng judges at ang importante lang ay ang gusto ng mga tagasubaybay. Kaya magkakaroon tayo ng BOTOHAN! Iboto niyo kung sino sa mga finalists ang nararapat na tanghaling My Own Sandara Park.

Just text GARY [space] TARUGO'S [space] SEARCH [space] FOR [space] MY [space] OWN [space] SANDARA [space] PARK [space] COMPLETE NAME OF FINALIST [space] REASON FOR VOTING [space] YOUR NAME [space] AGE [space] ADDRESS [space] YOUR MOTHER'S MAIDEN NAME [space] NAME OF PET [space] FAVORITE COLOR [space] CRUSH [space] FAVORITE POSITION [exclamation point] MOTTO [space] MOST EMBARRASSING EXPERIENCE [asterisk]. And send to 236653947025373308366746. Only P15 per vote during off peak hours and P20 during peak hours. Meron din kaming binebentang vote cards sa inyong mga suking tindahan in P1500, P3000 and P6000 denominations. Bili na po kayo dahil balita ko na nagkakaubusan na raw.

Para naman sa mga kuripot, pwede rin kayong bumoto online gamit ang poll sa baba. Libre po yan so PLEASE VOTE AS MANY TIMES AS YOU WANT. Pero ine-encourage ko pa rin kayo na bumoto sa text at vote cards. Abot langit kasi ang mararamdaman niyo kapag natanggap niyo na ang confirmation text at mas lalong sasaya ang pakiramdam niyo kapag nabasa niyo na ang balance ng load niyo pagkatapos niyo bumoto. Kaya boto na! Voting ends on this Saturday pagkatapos ng XXX. VOTE WISELY!





Who should I pick to be My Own Sandara Park?





@@@@@

Paalala: Para sa mga mangangampanya, pwede niyong gamitin ang comment box para matulungan ang inyong mga manok.

Tuesday, November 07, 2006

Meet the Finalists

Una sa lahat, maraming salamat sa lahat ng nagpadala ng kanilang application. Sobra akong nagulat dahil hindi ko inexpect na magiging overwhelming ang response para sa aking search. Finorward ko yun lahat sa MTV at mula sa libo-libong nagpadala, we're now down to six. Hindi naging madali para sa producers ang ginawang pagpili at pagreject sa applicants dahil marami sa mga nagpadala ang talaga namang deserving. Pero kinakailangang magbawas at itira lang ang anim na pinaka deserving dahil yun daw talaga ang format ng show. So paano, hindi ko na to patatagalin pa. Excited na rin kasi akong ipakilala sa inyo ang mga finalists ng My Own Sandara Park.



Finalist No. 1: Unknown Japanese Girl


WOW! As in WOW! Nung una kong nakita ang picture na to napasigaw ako ng "Eto na! Stop the contest!" Pero hindi ako pinayagan ng MTV. Kailangan daw kasing dumaan sa proseso ang gagawing pagpipili. Nakakahiya naman daw kasi sa iba kung pipiliin ko lang siya basta-basta na walang nangyayaring contest kahit na nga ba sabihin nating para sa akin naman to at love life ko ang nakataya dito. Sige, MTV. OK lang. Hindi naman ako ang importante sa search na to eh.



Finalist No. 2: Roxanne Barcelo


Hmmm... OK. Pwede na. Pero sino siya? Ang kwento kasi sa akin ng producers muntik na raw siyang hindi nakapasa sa screening. Kaya lang bigla daw siyang umiiyak at nagsabi na kailangan daw niya ng exposure. As in todo luha raw. Ang galing! Wala pa nga raw binabanggit yung producer, umiiyak na siya eh. Nung una hindi ko na-gets. Bakit kailangan niya ng exposure? Artista ba siya? Saan pa siya lumalabas? Anyway, pasalamat siya at mabait ang producers ng MTV. O eto na yung exposure na hinihingi mo. Galingan mo ha!



Finalist No. 3: Panky Trinidad


Sa maniwala kayo't sa hindi, mataas ang ranking ni Panky kaya siya nakapasok sa finals. Although sablay siya sa weight requirement (pero konti lang naman daw according to my producers) pasok na pasok naman daw siya sa ibang requirements lalo na sa S&M. According to her essay, payag daw siya na gawin ko sa KANYA ang lahat na nilista ko lalo na ang vaginal torture AND cock and ball torture. Nakatulong din ang ginawa niyang pananakot sa producers ng MTV gamit ang kanyang third eye.



Finalist No. 4: IC Mendoza


Hindi ko pa rin alam kung paano siya nakalusot. Dahil siguro siya lang ang applicant na nag-qualify sa requirement ko na "Must not weigh more that 50 lbs". But more than that, siya lang daw ang natatanging applicant na nagsubmit ng essay niya na hindi computerized. Very personalized daw to -- hand-written at gamit ang iba't ibang kulay ng DONG-A Pens.



Finalist No. 5:
Mahal


Hindi ako nagtataka na sumali at nakapasok si Mahal. Sa issue ng pagsali, hindi nakapagtataka dahil balitang-balita naman sa buong Pilipinas na siya ay dakilang palikera. Sa issue naman ng pagpasok sa finals, obvious na ginamit ni Mahal ang koneksyon niya kay Sandara: Mahal => Mura => Joseph => Sandara. Nag-aalala lang ako dahil kung siya ang mananalo baka wala pang isang buwan ay ipagpalit na niya ako sa isa pang showbiz wannabe.



Finalist No. 6: Lolit Solis


Malaki ang hinala ko na nagkaroon ng switching dito. Pero I will give my producers the benefit of the doubt. According to them, kaya raw nakapasok si Lolit dahil siya ay at least 5'2". At nung ginoogle daw nila ang Lolit Solis sexual fantasy, ang blog ko raw ang lumabas na Number 1 sa results. Malaking senyales daw yun para sa kanila na kailangang ipasok si Lolit sa finals.

@@@@@

There you go! The six finalists in my search to find My Own Sandara Park. Wish me luck!

Monday, November 06, 2006

Twenty Four Thirty

Nope. Hindi yan ang oras kung kailan huling nakipag-sex si lola. Yan ang kasalukuyang bilang ng mga tumingin sa profile ko mula nang magsimula akong magblog -- 1 nung July at 2,429 ngayong October and November. Akalain mo nga naman. Kung sabagay, marami naman talagang malalaman ang isang tao tungkol sa akin kapag tiningnan niya ang profile ko. Andyan na ang Age ko, Gender, Astrological Sign, Zodiac Year and Location. Dyan din makikita ang mga URL ng LAHAT ng blogs na mine-maintain ko. Medyo nakakalito nga naman kung hindi mo kabisado dahil sa sobrang dami. Kaya lang medyo nahihiya rin ako sa mga tumitingin dahil hindi ako gaanong nakakapag-update ng aking profile. Hayaan niyo, next month mag-u-update na yan. Birthday ko na kasi eh kaya siguradong magbabago na ang Age na nakalagay dyan. Surprise yun kaya paki abangan na lang. Ciao!

Sunday, November 05, 2006

My Own

Isa sa mga trip kong panoorin sa TV ngayon ay ang MTV show na My Own. Pinapalabas siya sa MTV every Friday, 9:30 pm. Para siyang date show na may twist -- ang mga pagpipilian mo ay mga "versions" ng crush mong celebrity. Ika nga, kung hindi mo kayang kunin ang original eh di kumuha ka na lang ng pirated. Sa kasalukuyan, ako ay nagco-conduct din ng sarili kong search for my own...





Sandara Park


Requirements:
  • Female
  • Single
  • 18-20 years old
  • At least 5'2"
  • Must not weigh more than 50 lbs
  • Korean-looking
  • Knows basic Filipino and English
  • Can sexy/dirty dance to the tune of In or Out, Walang Sabit and Ang Ganda Ko
  • Interested in making amateur movies
  • Open to experimentation
  • Into S&M, which includes but is not limited to:
    • Bondage
    • Breast torture
    • Spanking
    • Whipping
    • Blood play
    • Vaginal torture
    • 'CBT,' Cock and Ball Torture
    • Asphyxiation
    • Hot wax
  • Wholesome-looking (yung pwedeng ipakilala sa magulang)
  • Experience in talent show searches a PLUS
Interested applicants may send their resume to me. Please include a 1x1 and a full body picture plus a 50-page essay in Korean stating why I should choose you to be "My Own Sandara Park".

Paalala lang: Kasama sa mga magju-judge ang nanay ko. Kaya kung maaari lang, itabi muna ang inyong mga kinky pictures hangga't hindi pa kayo napipili. Thank you and good luck sa mga sasali!

Pinoy Bloggers[dot]Org