Saturday, December 16, 2006

Unang Hamon

HAMON #1:

Para sa readers kong bloggers. Sa links ninyo, kaninong blog ang hindi niyo talaga binabasa? Yung tipong napilitan ka lang ilagay ang blog niya sa links mo.

Sumagot na ang mga matatapang.

Tuesday, December 12, 2006

DJ Mo, DJ Ko, DJ Nating Lahat

Napapakinggan niyo ba ang Forbidden Questions sa show ni Mo Twister? Ang galing ng gagong yun. Biruin mo, dahil sa pinagsasagot ng guests niya sa show, sumikat at naging kontrobersyal siya. Pero kung papakinggan mo talaga ang show niya, hindi naman masama ang mga tanong niya at lalo namang hindi masama ang mga sagot ng guests niya. Nagiging masama lang kapag binalita na ito nila Cristy Fermin at Jobert Sucaldito. Ewan ko ba sa dalawang yun. Hindi ko alam kung ano ang problema nila. Masyado silang apektado. Para namang hindi nila ginagawa yung ginagawa ni DJ Mo. Eh ano ngayon kung tinawag na bading si Sam Milby ni Borgy Manotoc at ni Rachel Alejandro at ni Geneva Cruz? Di ba ganun din naman ang ginawa ni Cristy Fermin kay Hero Angeles? Ano ngayon ang pinagkaiba nila? Wala. Kung si Sam Milby nga walang imik eh.

Pero naiinggit talaga ako kay DJ Mo. Sana ako ang nakaisip ng game na yun. Pero since hindi ko naisip, gagayahin ko na lang. Starting this week, magtatanong ako sa readers ko ng isang tanong every couple of days tapos titingnan ko kung sino ang matapang na makakasagot. Tatawagin ko tong HAMUNEN ANG UTEN. Tingin ko bagay na bagay to lalo na sa readers ko na bloggers. Titingnan ko muna kung maganda ang response. Pag maganda, itutuloy ko. Kaya kung game kayo, register na by typing HAMON sa aking comment box. Let's get it on!

Monday, December 11, 2006

Mau Mau de Carabao

Si Mau Marcelo ang first Philippine Idol. Hay! Pakshet. As in "fuck the shit" y'all! Kung hindi kasi winalanghiya ng ABC 5 ang totoong format ng American Idol na Final 2 imbes na Big 3 ang kakanta sa finals, malamang ibang-iba ang resulta nito. Hay! Ang pangit ng idol niyo! "Jobel" ampotah -- dyoga hanggang bilbil!

Sunday, December 10, 2006

B-Asar

Sabado, 8:53 AM. Ang ganda na sana ng gising ko sabay nakuha ko ang text na to mula kay Bugette (ang babaeng Bugoy). Kinumpleto ko na ang ibang spelling ng mga salita para mas madaling basahin...

Bugette: Musta na? Punta kayo sa bazaar ko. Benta ako brownies and other desserts panregalo ngayong Pasko. Thanks friend. Asahan kita ha? Mwah!
Ako: Wow! Ang dami mo namang racket. Hanggang anong oras kayo bukas?
Bugette: Hus dis pls?

Putang ina. Hindi na ako sumagot. Pero ngayon naisip ko na sana nga minura ko na yung Bugette na yun. Sino ba naman ang hindi maba-bad trip sa ugali na yan? Magte-text sa yo, magre-reply ka tapos babanatan ka ng "Hus dis?" Eh putang ina. Naglolokohan pala tayo. Ikaw ang unang nagtext sa akin tapos hindi mo pala ako kilala.

Buti na lang natanggal na si Yvan at Rosita. At least may pampalubag-loob ang weekend na to.

Pinoy Bloggers[dot]Org