Saturday, October 07, 2006

My Crush

Salamat at natagpuan din kita. Unang pagkakita ko pa lang sa yo nagkacrush na ako sa yo. Ang tagal ko ngang hinanap ang picture mo sa internet. Pero sobra ka talagang mailap. Hindi naman ako naghahanap ng picture mo na nakahubad. Alam ko namang conservative ka eh. OK na sa akin kahit nakabikini ka lang. Buti na lang hindi ako sumuko. Buti na lang hindi ako nawalan ng gana. Buti na lang hindi ako nasiraan ng loob.

Sa wakas nagbunga rin ang lahat ng aking sakripisyo, pagod at pagpupuyat para lang mahanap ang natatanging sexy picture mo. At ngayong natagpuan na kita, hindi na kita papakawalan. Buong gabi kitang pagmamasdan...

my love.

(Pakiusap pala sa titingin ng picture ng crush ko. Alam ko medyo sexy ang dating niya dito. Pero konting respeto naman. Please.)

Friday, October 06, 2006

Philippine DRAMA Academy

Nanood ako ng Pinoy Dream Academy kanina. First time. Nakita ko kasi yung teaser kanina habang nanonood ako ng Deal Or No Deal. Parang may away kaya naintriga ako. Grabe! Akala ko nga may magsusuntukan na eh! Kaya lang kinapos sa oras. Saaa-yang! Sana ituloy bukas. Tagal na kong naghahanap ng totoong suntukan sa TV eh. Dun ako sa malaking babae. Parang sumo wrestler yun sa laki eh. Go Yokuzuna!

Pero napansin ko puro sosyal pala ang contestants ng PDA no? English kasi sila nang English habang nag-uusap. Dudugo ang ilong ko dun. Pinag-uusapan kasi nung mga babae yung mga lalake kaya naisipan ng production staff na iparinig ang kanilang conversation gamit ang speakers. Hala! Mga backstabbers kasi. Dingding lang naman ang pagitan nila. Napagtripan tuloy sila ng production.

Nung nakalahata sila na nagkakarinigan na pala sila, bigla silang sumigaw para i-confirm ito...

BABAE: Do you hear us?!!!
LALAKE: Yes!... Very much!!!

Ayt!

@@@@@

BTW, ang galing nung contestant kanina sa Deal or No Deal. Nanalo siya ng P400,000. Kung sino ka man, balato!

Thursday, October 05, 2006

I Heart Banana

"Oo, aaminin ko. Sila ay mga yakal, lawaan, apitong, at narra. At kami ay saging lang. Pero maghanap kayo ng puno sa buong Pilipinas. Saging lang ang may puso. SAGING LANG ANG MAY PUSO!"

- Mark Lapid in Apoy Sa Dibdib Ng Samar

OK fine.

Wednesday, October 04, 2006

Moetgirl♥ from A to C

Kilala niyo ba si Moetgirl? Bakit kaya ganun? Minsan may boobs siya...


Minsan wala...

Haha!

Sunday, October 01, 2006

Dalaifollower is Cofibean!

Totoo yan! Paano ko nalaman? Kasi nagsulat ako dati sa comment box ni Cofibean tapos ang ginamit kong username ay Dalaifollower. Biruin mo hindi inapprove ni Cofibean. Paano naman niya nalaman na hindi ako yung totoong Dalaifollower di ba? Sinubukan ko ulit pero hindi na naman naapprove. Sige, subukan mo. Magsulat ka ng comment kay Cofibean pero gamitin mo ang pangalan ni Dalaifollower. Tingnan mo, hindi niya yun iaapprove. Hehe.

Pinoy Bloggers[dot]Org